Home METRO P49M shabu nasabat sa Parañaque drug bust

P49M shabu nasabat sa Parañaque drug bust

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa 7.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P48,960,000 sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Paranaque City nitong Martes, iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Hunyo 23.

Sa pahayag, sinabi ng PNP na tatlong indibidwal ang naaresto sa naturang operasyon.

Nasabat mula sa mga suspek ang weighing scale, plastic sachet, mga lighter, anim na cellphone, P500 bill buy-bust money, mga notebook, bank slip at iba’t ibang ATM cards.

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga naarestong suspek at sasampahan ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. James Catapusan

Previous articleMaine, ‘di tinuloy ang 2-month leave, may mensahe kay Alden!
Next articleEli Remolona itinalagang bagong BSP governor