Home METRO P4M ‘tsaa-bu’ nasamsam sa Cotabato

P4M ‘tsaa-bu’ nasamsam sa Cotabato

MANILA, Philippines- Buking ang mahigit P4 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa tea packets (“tsaa-bu”) sa isang buy-bust operation sa Cotabato City.

Matagal na umanong tinitiktikan ang suspek na isang pulis, ng kanyang mga kabaro bago ang operasyon, ayon sa ulat nitong Martes.

Naaresto ng mga awtoridad ang nasabing suspek at dalawa pang indibidwal.

Nakumpiska rin nila mula sa suspek ang baril at ang buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga suspek at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/SA

Previous articleBabaeng siklista todas sa sagasa ng SUV!
Next articleMalaking pondo ng Comelec ‘di para sa cha-cha kundi sa eleksyon – solon