Home METRO P5.2M bloke ng marijuana nasabat sa 3 suspek

P5.2M bloke ng marijuana nasabat sa 3 suspek

Nueva Vizcaya – Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation dito nitong Lunes ng hapon, Pebrero 12.

Ang mga suspek na sina Mae, 52; Jenny, 52, at Mark, 46, ay nakuhanan ng 44 na brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 44 kilo na nagkakahalaga ng P5.2 milyon, tatlong cellphone, at isang Nissan Escapade van na may plakang NVI-165.

Sinabi ni PDEA-Region 2 Director Levi Ortiz na ang mga suspek ay itinuturing na high-value target.

Binati ni Ortiz ang mga nahuling ahente ng PDEA at mga backup na pulis.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong may kinalaman sa droga. RNT

Previous article17-anyos tinaga sa mukha ni erpat
Next articleKush, cannabis gummy candies nasamsam ng BOC