Home HOME BANNER STORY P5.768T nat’l budget para sa 2024, tinintahan na ni PBBM

P5.768T nat’l budget para sa 2024, tinintahan na ni PBBM

MANILA, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.768 trilyon na budget para sa 2024 nitong Miyerkules, Disyembre 20.

Ang 2024 budget, na niratipikahan ng Kamara at Senado noong Disyembre 11, ay 9.5% na mas mataas kumpara sa P5.268 trilyon na national budget ngayong taon.

Nauna nang sinabi ni Senador Sonny Angara, na namumuno sa Senate Committee on Finance, na ang consolidated version ng 2024 General Appropriations Bill (GAB) ay hindi naglaan ng confidential at intelligence funds (CIF) sa non-security agencies.

Sa kabuuang proposed budget, sinabi ni Angara na nasa P9 bilyon o 0.02% ang inilaan para sa CIF sa 2024.

Sinabi naman ng Department of Budget and Management (DBM) na tututok ang 2024 budget sa pagpapalago ng ekonomiya at paglaban sa epekto ng inflation. RNT/JGC

Previous articleTapales kayang talunin si Inoue 
Next articleMMA: Kingad, Wakamatsu magsasagupa sa Tokyo rematch