Home NATIONWIDE P500B inilaan ng gobyerno sa climate change mitigation

P500B inilaan ng gobyerno sa climate change mitigation

63
0

MANILA, Philippines – Naglaan ang pamahalaan ng kalahating trilyong piso para sa mga proyektong gagawin nito na may kinalaman sa climate change mitigation.

Sinabi ni  Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, ang naturang halaga ay bahagi ng 2023 national budget at gagamitin sa mga proyektong ilalatag ng pamahalaan upang mabawasan ang masamang epekto ng pagbabago ng panahon.

Batay sa mga ikakasang proyekto ng gobyerno na may kinalaman sa climate change ay ang mga hakbang para mapigilan ang deforestration, gagawing pag-aalaga sa mga watershed at protected areas, pagsasagawa ng pagsisiyasat o research para sa climate change adaptation gayundin ng mga pagsasanay hinggil sa  community-based climate change adaptation at disaster risk reduction.

Magugunita na sa naging budget message noon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat magkaroon ng climate change expenditures na tututok sa food security, water sufficiency, ecosystem and environmental stability gayundin sa human security at  climate smart industries and services.

Samantala, ang P500 billion budget para sa climate change ay bahagi ng P5.268 trillion national budget para sa fiscal year 2023 na mas mataas ng 4.9% sa 2022 budget. Kris Jose

Previous articleKarpintero binaril ng kainuman, dedo
Next articlePrangkisa ng traditional jeepney palalawigin ng LTFRB