Home NATIONWIDE P500M sa confi funds ng OVP, ilipat sa PCG – Castro

P500M sa confi funds ng OVP, ilipat sa PCG – Castro

200
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni House Deputy Minority Leader France Castro nitong Martes, Agosto 8 sa House of Representatives na ilipat na lamang ng Office of the Vice President (OVP) ang proposed P500 million sa confidential and intelligence funds para sa 2024 patungo sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pahayag, iginiit ni Castro na napapanahon na para sa intelligence fund ng PCG na taasan, kasabay ng tungkulin nitong bantayan ang territorial waters ng bansa.

Aniya, dapat ay hindi ito pigilan ng OVP bagkus ay suportahan pa, kung ito ay talagang “so concerned with national security.”

“Ang PCG ang palaging humaharap sa pambubully ng China tapos ang intel funds nila ay P10 [million] lang mula 2009 samantalang ang OVP na wala namang kinalaman sa intelligence gathering ay napakalaki ng intel funds,” sinabi ni Castro.

Sumagot naman ang OVP sa pagsasabing ang confidential funds, “should be left to the wisdom of the entire membership of the House of Representatives and the Senate and not to Ms. France Castro.”

Nasa kabuuang P10.142 bilyon ang inilaan para sa confidential at intelligence funds sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa 2024.

Kabilang dito ang proposed P500 milyon para sa OVP, na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte, at karagdagang P150 milyon para sa Department of Education (DepEd) na siya naman ang Kalihim.

Nauna nang sinabi ni Castro na ang P150 milyong alokasyon ay dapat na ilagay na lamang sa child care development.

“Sa totoo lang ang confidential and intel funds sa DepEd at OVP na aabot sa P650 million ay pork barrel lang ng bise presidente. It is high time na i-realign ito sa PCG para magamit laban sa mga dayuhang nanghihimasokthe teacher solon added. sa ating teritoryo,” paghihimok niya.

Dinepensahan naman ni Duterte ang confidential funds para sa DepEd sa pagsasabing may kinalaman ito sa national security.

“Because education is intertwined with national security. Napakahalaga na [it is very important that] we mold children who are patriotic, children who will love our country, and who will defend our country,” aniya.

Sinabi naman ni DepEd spokesperson Undersecretary Michael na ang P150 milyon ay gagamitin para kumolekta ng impormasyon para sa “recruitment” umano na nagaganap sa mga paaralan sa bansa. RNT/JGC

Previous articleMiyembro ng BIFF na suspek sa pagpatay sa ex-cop, nadakip
Next articleJuly, pinakamainit na buwan sa rekord – EU climate observatory

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here