Home METRO P510K shabu nasamsam, 2 suspek arestado

P510K shabu nasamsam, 2 suspek arestado

BACOOR CITY- Umabot sa ₱510,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa nadakip na dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation, Biyernes sa lungsod na ito.

Sa pinagsamang operasyon ng Bacoor Component City Police Station DEU, nadakip ang mga suspek na sina alyas Jovie at Argel, kapwa residente ng Brgy. Panapaan 4, Bacoor City, Cavite.

Nakuha sa mga suspek ang 13 pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, buy-bust money at kulay pula na sling bag.

Ang nakumpiskang shabu ay may bigat na 75 gramo at aabot sa halagang ₱510,000.

Inihanda na ang kasong paglabag sa R.A. 9165 ang isasampa laban sa mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleCOP28 pledges kapos sa paglimita sa global warming sa 1.5°C
Next articleMIAA: Bilang ng pasahero sa nitong Nob. 2023 sumasalamin sa pre-COVID figures