Home NATIONWIDE P530M lotto jackpot ‘di pa rin napanalunan – PCSO

P530M lotto jackpot ‘di pa rin napanalunan – PCSO

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office na wala pa ring nagwai sa P530 milyong grand jackpot nitong Biyernes, Disyembre 22.

Sa 9 p.m. draw ng PCSO, walang nanalo sa winning combination number na 46-43-44-16-50-21 para sa P530,527,560.80 Ultra Lotto 6/58 jackpot.

Wala ring nanalo sa Megalotto 6/45 jackpot na P10,788,056.80 matapos na walang tumama sa combination na 41-01-13-33-06-05.

Samantala, 48 mananaya ang maghahati-hati sa P21,486 jackpot ng 4D Lotto sa winning combination na 1-3-6-6 at daan-daang nanalo sa P4,500 jackpot ng 3D Lotto sa bawat draw, at P4,000 jackpot sa 2D Lotto draws.

Bobolahin ng PCSO ang Grand Lotto 6/55 P538-milyong jackpot mamayang gabi ng Disyembre 23. RNT/JGC

Previous articleWALANG CHRISTMAS LIGHTS, KAROLING PERO MAY KOTONG
Next articleBabaeng OFW na magpa-Pasko sa Pinas, patay sa saksak sa Antipolo