Home NATIONWIDE P557-M lotto jackpot bigong mapanalunan

P557-M lotto jackpot bigong mapanalunan

MANILA, Philippines – Walang mapalad na nanalo para sa Grand Lotto 6/55 jackpot prize na P557 milyon nitong 9 p.m. draw ng Miyerkules, Disyembre 27, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

Walang bettor na nakahula ng tama sa Grand Lotto lucky winning combination na 27-05-51-43-54-12.

Gayundin, wala ring nanalo sa P16.7 milyong Mega Lotto 6/45 jackpot. Ang winning digit combination ay 25-18-37-13-17-39.

Ang iba pang mga panalong numero para sa digit na laro ay 9-7-0-3 para sa 4D Lotto, 0-0-4 para sa 3D Lotto, at 31-08 para sa 2D Lotto.

Ang susunod na Mega Lotto 6/45 draw ay sa Dis. 29, habang ang Grand Lotto 6/55 ay sa Dis. 30. RNT

Previous articlePNP sa publiko: Iligal na paputok, ‘wag tangkilikin!
Next articleSpecial permits sa consolidated jeeps ibibigay para makabyahe sa ilang ruta