Home HOME BANNER STORY P56.6M lotto jackpot nasolo!

P56.6M lotto jackpot nasolo!

MANILA, Philippines РNasolo ng isang mananaya ang P56,638,411 jackpot sa lotto 6/42 nitong Martes ng gabi, Enero 30, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nagawang mahulaan ng solo bettor ang winning digits na 38-20-19-04-16-40.

Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 na may mga panalong numero na 36-51-01-56-04-42 para sa pot prize na P82,751,259.

Bukod dito, sa Super Lotto 6/49, walang bettor ang nakahula ng mga panalong numero: 09-26-10-47-35-25 na may pot prize na P27,176,287.80.

Ang iba pang mga panalong numero para sa mga digit na laro ay 1-5-9-6-3-1 para sa 6D Lotto, 6-7-1 para sa 3D Lotto, at 30-09 para sa 2D Lotto. RNT

Previous articleDigong kay Bongbong: Magpa-drugtest!
Next article#WalangPasok, Enero 31, 2024