Home HOME BANNER STORY P571M lotto jackpot napanalunan na!

P571M lotto jackpot napanalunan na!

MANILA, Philippines – May nanalo na!

Maiuuwi ng nag-iisang bettor ang jackpot prize na mahigit P571 milyon sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Biyernes, dalawang araw lamang bago ang Bagong Taon 2024.

Nagawa niyang mahulaan ang kumbinasyong 19-35-25-42-58-05 na may 571,554,916.40 jackpot.

Samantala, isa pang major lotto draw, ang Megalotto 6/45, ay napanalunan din ng nag-iisang manlalaro na nakakuha ng P23,333,389.60 sa kumbinasyong 06-12-28-04-16-17.

Matatandaang nag-alok ang Philippine Charity Sweepstakes Office ng mahigit P1 bilyong jackpot prize para sa mga bettors matapos nitong itaas ang minimum na premyo para sa 6/58 at 6/55 lotto games sa P500 milyon bawat isa noong Disyembre 16. RNT

Previous articleN. Luzon uulanin sa Amihan
Next articlePBBM sa mga Pinoy: Tularan si Rizal sa pagmamahal sa Pinas