Home METRO P57M marijuana winasak sa Cordillera

P57M marijuana winasak sa Cordillera

391
0

CAMP DANGWA, Benguet- Winasak ng mga pulis ang marijuana na nagkakahalaga ng P57 milyon sa week-long eradication operation sa Benguet at Kalinga mula May 14 hanggang 20.

Sinabi ng Police Regional Office-Cordillera Regional Operations Division (ROD) na nagresulta ang operasyon sa pagkakadiskubre ng 227,470 fully-grown marijuana plants, 3,360 marijuana seedlings, at 95,000 gramo ng marijuana stalks na may kabuuang standard drug price na P57,028,400.

Samantala, walong drug personalities ang naaresto at 5.63 gramso ng hinihinalang shabu na may SDP na P38,284 ang nasamsam sa anti-illegal drug operations sa rehiyon sa parehong linggo.

Kinilala ang mga suspek na sina Christian Albert Garcia, 55; Belvet Palma, 47; Raysun Jacob, 39; Ramil Ong, 54;  Chester Mamma, 19; Jay Ralph Casidsid, 18; Dave Perez, 19; at Obbed Cangitit, 41.

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

Previous articleMister natusta sa kidlat, patay!
Next articleAFP: Halos 300 lugar, posibleng maging election hot spots

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here