Home NATIONWIDE P585B hihiramin ng gobyerno sa local creditors sa Q2

P585B hihiramin ng gobyerno sa local creditors sa Q2

MANILA, Philippines – PLANO ng administrasyong Marcos na humiram ng P585 billion mula sa local creditors sa second quarter, kahalintulad ng programmed domestic borrowings sa first quarter, para magsilbing tulay sa budget deficit.

Base sa iskedyul na naka-post sa Bureau of the Treasury ‘s (BTr) website, target ng gobyerno na makapag-raise ng P195 billion sa pamamagitan ng pagbebenta sa Treasury bills (T-bills) at P390 billion sa pamamagitan ng Treasury bonds (T-bonds).

“The BTr lined up five T-bills auctions in April to raise P75 billion. In May and June, the state plans aims to borrow another P60 billion for each month via T-bills sale,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, bubuksan naman ng gobyerno ang second quarter na may apat na T-bond offerings sa Abril sa layuning makapagbenta ng P120 billion na halaga ng long-dated debt securities.

Sa buwan ng Mayo, target ng BTr na makapag-raise ng mas malaking P150 billion mula sa pagbebenta ng Treasury bonds.

“It will cap the second quarter with four more T-bond issuances in June. The Marcos administration will cap the second quarter with four more T-bond issuances slated in June to raise P120 billion,” ayon pa rin sa ulat.

At nang hingan naman ng komento si Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp., , sinabi nito na malamang na magdesisyon ang gobyerno na panatilihin ang laki ng bagong borrowing program mula sa first quarter bunsod ng mataas na interest rate environment.

“This may have been a function of relatively higher debt servicing costs amid higher global and local interest rates and still weaker peso exchange rate,” ayon kay Ricafort.

Makikita sa mga dokumento mula sa budget department na plano ng administrasyong Marcos na humiram ng P1.85 trillion sa 2024. Sa nasabing halaga, P672.1 billion ang ire- raised sa pamamagitan ng short-dated Treasury bills habang ng P1.8 trillion ay manggagaling mula sa lingguhang auctions ng T-bonds.

“Those borrowings are needed to help plug a projected budget hole of P1.39 trillion this year, which is equivalent to 5.1 percent of gross domestic product,” ayon sa ulat.

Samantala, base sa pinakabagong government forecasts, ang budget deficit, bilang share ng ekonomiya, ay inaasahan na babalik sa pre-pandemic level na 3.2% sa 2027.

Winika naman ni Finance Secretary Ralph Recto na ang gobyerno ay mananatiling “prudent” sa debt management nito sa pamamagitan ng patuloy na pag-adopt ng 75:25 borrowing mix na pabor sa domestic sources.

Dahil dito, sinabi ni Ricafort na “the record P584.86-billion Retail Treasury Bond issuance in February and a possible global bond sale later this year “might reduce the need for more local borrowings.” Kris Jose

Previous article50% discount sa OFWs alok sa OWWA point-to-point express bus
Next articleVP Sara sa mga Kristiyano: Pananampalataya, demokratikong pag-asa pagyamanin sa Semana Santa