Home METRO P5M marijuana nasabat sa checkpoint

P5M marijuana nasabat sa checkpoint

MANILA, Philippines- Naharang ng mga awtoridad ang marijuana bricks na nagkakahalaga ng P5 milyon mula sa apat na hinihinalang tulak sa checkpoint sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga, nitong Huwebes, Pebrero 22.

Kinilala ni Police Capt. Ruff Manganip, Kalinga police spokesperson, ang mga suspek na sina Jerome Dizon Postor, 24; Randell Mark Pancho Limuco, 22; at Zand Mark Johnsen Edulon de Castro, 21, mga residente ng Guiguinto, Bulacan; at Judelyn Tomas Santos, 20, ng Baliuag, Bulacan.

Naharang ng pulisya ang nagmamadaling puting Hyundai Stargazer SUV na may conduction sticker na K2X501.

Sa halip na magmenor sa checkpoint ay mas pinabilis pa nito ang takbo dahilan upang mabangga nito ang signage ng checkpoint.

Nang siyasatin ang sasakyan ay doon na tumambad ang marijuana na itinago sa backseat nito.

Dinala na sa Lubuagan police station ang mga suspek para sa paghahain ng kaukulang kaso. RNT/JGC

Previous article15 patay sa sunog sa China
Next articlePrivate tutor pinatay sa saksak, itinapon sa ilog