Home NATIONWIDE P6.1-B tax evasion case isinampa vs 214 corporate officers

P6.1-B tax evasion case isinampa vs 214 corporate officers

316
0

MANILA, Philippines – Patong-patong na tax evasion complaint ang isinampa ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice laban sa 214 corporate officers.

Pinangunahan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui ang “nationwide filing” kung saan aabot sa 127 criminal charges ang kanilang inihain para sa tinatayang nasa P6.1 billion na halaga ng “tax liability,” sa ilalim ng BIR RATE Program.

Maaga pa lamang, dinala na sa DOJ ang kahong-kahon dokumento at ebidensya laban sa mga inirereklamo.

Ani Lumagui, ang hakbang ng BIR ay parte ng kanilang paghabol sa mga negosyo, kumpanya at korporasyon na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Marami aniyang kumpanya ang inireklamo na nakahanay sa retail, importers, construction industries at iba pa.

Ang mapapatunayang nagkasala ay mahaharap sa parusang kulong, bukod pa sa civil at tax liabilities sa ilalim ng batas.

Tiniyak naman ni Lumagui na ang mga ipinagharap sa reklamo ay idinaan sa “due process,” na-audit at napadalhan ng kaukulang notice at pagkakataon na sumagot at magpakita ng mga dokumento. Pero sadya aniya may mga negosyo na hindi tumutupad at lumalabag.

Matatandaan na noong Pebrero 2023, una nang nagsampa ng 74 na criminal charges ang BIR, na nasa mahigit sa P3 billion ang atraso sa buwis sa gobyerno.

Muli namang babala ni Lumagui sa mga negosyo at mga opisyal nito — huwag babalewalain ang mga patakaran ng BIR, dahil mahaharap sila sa kaukulangang kaso kung hindi susunod sa wastong pagbabayad ng buwis at iba pa. Teresa Tavares

Previous articleBaril inagaw, prison guard patay sa preso
Next articlePatas na sahod, proteksyon sa mga basurero itinutulak ng DENR

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here