Home NATIONWIDE P6.352-T nat’l budget sa 2025 itinutulak

P6.352-T nat’l budget sa 2025 itinutulak

MANILA, Philippines – HUMIRIT ang inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ng P6.352 trillion na panukalang national budget para sa taong 2025.

Sinabi ni DBCC chairperson at Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang panukalang planong paggasta para sa susunod na taon ay katumbas ng 22% ng gross domestic product (GDP), at 10.1% na mas mataas kaysa sa budget na P5.768 trillion ngayong taon.

Tinuran pa ni Pangandaman na magsusumite ang DBCC sa Kongreso ng panukalang 2025 national budget sa Hulyo 29, isang linggo matapos ang pangatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang panukalang budget ay naka-angkla sa temang “Agenda for Prosperity: Fulfilling the Needs and Aspirations of the Filipino People”.

Alinsunod sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, ang panukalang budget para sa susunod na taon ay naglalayon na i-develop at protektahan ang kakayahan ng mga indibiduwal at pamilya, i-transform ang production sectors para makalikha ng mas maraming de-kalidad na trabaho at makapag-produce ng competitive products, at pangalagaan ang kapaligiran na sumasaklaw sa ‘institutions, physical at natural environment.’

Sa kabilang dako, sinabi pa rin ng Kalihim na napanatili ng DBCC ang economic growth targets nito para ngayong taon hanggang 2028.

“The Philippine economy is expected to “finish strong” at 6 to 7 percent in 2024, and expand further to 6.5 to 7.5 percent in 2025,” aniya pa rin.

“Despite external headwinds, we are expected to continue surpassing most emerging economies,” ayon kay Pangandaman.

Winika pa nito na “robust growth momentum” ay inaasahan na magpapatuloy sa medium term na may GDP projection na 6.5 hanggang 8% mula 2026 hanggang 2028.

“We are committed to implementing growth-enhancing strategies to mitigate these risks such as sustaining government efforts to address inflation, promoting and adopting digitalization to improve efficiency in government spending, accelerating infrastructure development, expanding skills development for our workforce, and strengthening inter-industry supply chain linkages, among others,” ayon kay Pangandaman.

“This growth trajectory puts us firmly on the path to becoming an upper-middle-income economy in less than two years and reducing the poverty rate to single-digit levels by 2028,” aniya pa rin. Kris Jose