Home METRO P6.8M shabu nasamsam sa 2 suspek

P6.8M shabu nasamsam sa 2 suspek

LANAO DEL SUR- Umabot sa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang suspek na nadakip sa isinagawang buy-bust operation nitong Miyerkules sa bayan ng Bubong.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jamel Dimaporo, 29-anyos, at Jalil Macaayong, 19, kapwa taga-Maranao.

Ayon kay Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, inilatag ang operasyon laban sa mga suspek Miyerkules ng hapon sa liblib na lugar sa Barangay Pindolonan, ng nasabing bayan.

Nakuha sa mga suspek ang higit isang kilong shabu na aabot sa halagang P6.8 milyon.

Sinabi ni Castro, nadakip ang mga suspek matapos inguso ng isang drug dealer na si Lawa Abedin na nadakip noong Pebrero 6, 2024 sa Barangay Bugaran Piagapo, Lanao del Sur.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico

Previous articleComelec nakapagtala na ng higit 400K bagong botante
Next articleEXEMPTION SA PAGTAAS NG SAHOD, MAAARING I-APPLY SA RTWPB