Home HOME BANNER STORY P6.97M nasabat sa tulak sa Cebu City

P6.97M nasabat sa tulak sa Cebu City

Photo of Romeo Marantal, The Freeman

CEBU CITY-LAGLAG sa mga awtoridad ang isang hinihinalang notoryus na tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng higit sa P6 na milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation, kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jundam Dacalos, 37, residente ng Sitio San Vicente, Barangay Bulacao, Cebu City.

Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7), bandang 5:00 PM noong Hulyo 24, nadakip ang suspek sa bulubunduking bahagi ng Barangay Pulangbato, ng naturang lungsod.

Nakuha sa suspek ang isang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa halagang P6,970,000.00.

Sinabi ng PDEA-7, isinagawa ang pinagsamang buy-bust operation laban kay Dacalos matapos ang isang linggong pag-monitoring hinggil sa ilegal na aktibidad.

Naniniwala ang mga otoridad na kayang magbenta ng suspek ng 500 gramo ng shabu hanggang isang kilo sa loob ng isang linggo.

Nakakulong ngayon si Dacalos sa PDEA-7 detention cell sa Barangay Lahug, Cebu City inihahanda ang pagsasampa sa mga kasong possession at pagbebenta ng iligal na droga./Mary Anne Sapico

Previous articleFilipinas umiskor ng unang goal sa World Cup
Next articleSandro ayaw magkomento sa SONA ng ama; ‘band-aid solutions’ tawag naman ng opposition solon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here