BACOOR CITY- Arestado ang isang hinihinalang big-time drug trafficker ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation, iniulat kahapon sa lungsod na ito.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Daryl Julhasan y Pilapil, 28, may-asawa, nagtatrabaho bilang Event Coordinator, at residente ng Block 27 Lot 1 Maharlika Village, Taguig City.
Sa pinagsamang operasyon ng PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team, PDEA Cavite Provincial Office, SDEU at RDEU-4A, dakong alas-7:15 ng gabi nang madakip ang suspek sa isang fast-food restaurant sa parking lot sa kahabaan ng Molino Boulevard, Talaba 4, Bacoor City.
Nakuha sa suspek ang higit sa isang kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P6,900,000 at buy-bust money.
Nahaharap ngayon siya sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II of RA 9165. Mary Anne Sapico