Home METRO P600K shabu, baril nasamsam sa 2 suspek

P600K shabu, baril nasamsam sa 2 suspek

TACLOBAN CITY- NADAKIP ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng higit sa P600,000 halaga ng shabu at armas sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, nitong Sabado, Pebrero 24 sa lungsod na ito.

Ayon kay PLt. Edwin Cañamaque, hepe ng Community Affairs and Development Unit, Tacloban City Police Office, ang mga suspek ay kilala sa alyas “Waway”, 26-anyos, at alyas “Ren”, 20-anyos, at kapwa residente ng Ridgeview Park, Brgy 97, Cabalawan, Tacloban City.

Nakuha sa mga suspek ang 12 pakete na naglalaman ng shabu na may bigat na 95 gramo at may market value na P645,000.

Narekober din sa mga suspek ang 9mm PAR Ingram US military rifle, 2 bala, long magazine, buy-bust money at weighing scale.

Inihanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleDemo ng automated poll system ng Miru idaraos sa Kongreso
Next articleLola, huli sa pagtutulak ng droga