Home NATIONWIDE P600K tinangay ng kawatan sa ahente ng palay

P600K tinangay ng kawatan sa ahente ng palay

207
0

BUGUEY, CAGAYAN – Halos humigit-kumulang na P600,000 halaga ng cash, cellphone at alahas ang isang babaeng ahente ng palay matapos holdapin ng mga kawatan sa Brgy. Padaya Este, Buguey, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Rosa Palattao, 48-anyos, residente ng Brgy. Paddaya, Aparri na patuloy na nagpapagaling sa pagamutan dahil sa mga tinamong galos sa katawan matapos manlaban sa mga salarin.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay sakay ng motorsiklo at pauwi na sa kanilang bahay galing sa bayan ng Sta. Teresita nang huminto ito sa bahagi ng Brgy. Paddaya Este, Buguey dahil sa nakitang cellphone sa lansangan dakong alas-7:00 ng gabi.

Matapos iparada ang motorsiklo ay sumulpot ang nasa apat na kalalakihan at tinakpan ang mukha ng biktima bago kinaladkad papalayo kung saan nagawa naman nitong manlaban at makawala sa mga suspek, ngunit natangay ang kanyang bag na naglalaman ng perang pinagbentahan ng palay, cellphone at singsing.

Advertisement

Dakong alas-11:00 na nang gabi nang matagpuan ng kanyang pamilya ang biktima na nawalan ng malay at punit ang damit sa bahagi ng irrigation canal, nasa 200 metro ang layo mula sa kanyang motorsiklo.

Nakita rin ng pulisya ang ilang nagkalat na pera sa lansangan at bag ng biktima ngunit wala nang laman.

Patuloy naman ang koordinasyon ng pulisya sa biktima subalit hindi pa ito masyadong nakakapagsalita para sa posibleng gabay sa ikadarakip ng mga tumakas na suspek.

Kasama sa iniimbestigahan ang ilang dating tauhan ng biktima mula Aparri na kanyang tinanggal sa trabaho at pinalitan ng mga taga-Buguey. Rey Velasco

Previous articleLibreng sakay sa QC, permanente na
Next articlePinakamatandang political prisoner, pakawalan na – grupo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here