MANILA, Philippines – Hindi napanalunan ang P49.5 milyong Ultra Lotto 6/58 jackpot sa lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ibinola ng Linggo ng gabi, Agosto 20.
Hindi nagawang mahulaan ang Ultra Lotto 6/58 winning digit combination na 15-02-20-57-19-10 na nagkakahalaga ng jackpot na P49,500,000.
Gayunpaman, nanalo ng P120,000 bawat isa ang 22 taya para sa ikalawang gantimpala, habang 1254 na manlalaro ang nanalo ng tig-P2,000 para sa ikatlong gantimpala.
Katulad nito, walang ring nakatumbok sa jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na nagkakahalaga ng P15,840,000 na may winning digit combination na 07-35-04-30-12-14.
Samantala, 21 mananaya sa Super Lotto ang nakatakdang mag-claim ng tig-P50,000 para sa pagkapanalo sa ikalawang premyo, habang 1,544 na manlalaro ang nanalo ng tig-P1,200 para sa ikatlong premyo.
Ang susunod na Ultra at Super Lotto ay ibobola sa Agosto 22. RNT