Home METRO P67M shabu na itinago sa loob ng engine pulleys kumpiskado

P67M shabu na itinago sa loob ng engine pulleys kumpiskado

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P67 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang nadiskubre sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Martes ng gabi.

Batay sa ulat ng NAIA- Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADTG), nasa 10 kilo ang nadiskubreng hinihinalang shabu na nakapaloob sa 10 pakete ng boxed engine pulley.

Nabatid na ang mga nasabing kontrabando ay nagmula sa Mozambique at dinala sa Addis Ababa sa Ethiopia bago dumating sa bansa.

Sinabi ng NAIA-IADTG na pinigil ang nasabing padala matapos dumaan sa scanner at nagpositibo sa K-9 unit inspection.

Ayon naman sa isang Pinay na nagsilbing consignee ng nasabing padala, isang African ang nag-utos umano sa kanya na tanggapin ang nasabing package. Hindi umano niya niya alam na naglalaman ito ng ilegal na droga.

Sinabi ni NAIA-IADTG deputy commander Gerald Javier na ang parsela ay may pangalan ng babae. Patuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang “ultimate consignee” ng package. JAY Reyes

Previous article2 suspek sa pagnanakaw ng P134M mula sa Skyway motorists timbog!
Next articlePPP Code, Internet Act tinintahan ni PBBM