Home METRO P680,000 shabu nasamsam; suspek tumalon sa ilog

P680,000 shabu nasamsam; suspek tumalon sa ilog

MAGUINDANAO DEL NORTE- Nakumpiska ng mga awtoridad ang P680,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation nitong Linggo sa lalawigang ito.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek na kinilala sa pangalang Jowi, mga alyas Abu Amir at Abu Mukhtar, at miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa pinagsamang operasyon ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, PRO-BAR at Cotabato City Police Precinct 1, nakipagtransaksyon ang suspek sa isang tulay sa Barangay Salimbao, Sultan Kudarat.

Habang nasa gitna ng transaksyon ay nakatunog ang suspek na pulis ang kausap nito kaya mabilis siyang tumalon sa ilog.

Nakuha naman ng mga operatiba sa suspek ang dalawang malaking pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P680,000, weighing scale at pera.

Nagsasagawa nang hot pursuit operation ang tropa ng pamahalaan para sa agarang ikadarakip sa suspek.

Sinabi ng pulisya, ang suspek ay kilalang drug dealer sa mga kalapit na lugar ng naturang lalawigan. Mary Anne Sapico

Previous articlePagtutok sa mga panukala sa kabuhayan, kapaligiran, seguridad tinalakay sa LEDAC meeting 
Next articleKaso sa kontrobersyal na Chocolate Hills resort ikinakasa ng Ombudsman