Home METRO P7.1-M shabu nasabat sa Bohol drug sting

P7.1-M shabu nasabat sa Bohol drug sting

CEBU CITY – Muling nakapuntos ang pulisya sa Bohol sa kampanya laban sa iligal na droga matapos masamsam ang multi-million pesos na halaga ng shabu sa isang 41-anyos na hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Panglao kaninang madaling-araw nitong Martes, Pebrero 27.

Naaresto ng Panglao Police Station ang isang JR na may isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7.1 milyon.

Ang suspek, na naaresto sa Barangay Libaong, ay residente ng Barangay Sagnap, bayan ng Loay, Bohol.

Sinabi ni Police Capt John Khalev Diel Sanchez, officer-in-charge ng Panglao Police Station, na pinaniniwalaang “bodegero” ang suspek o isang taong nag-iingat ng shabu sa kanyang mga contact at nagde-deliver nito sa kanilang mga kliyente.

Sinabi ni Sanchez na isang preso ang nagsisilbing contact ng suspek sa pamamahagi ng ilegal na droga hindi lamang sa Panglao kundi maging sa iba pang bayan sa Bohol.

Batay aniya sa kanilang imbestigasyon, ilang taon nang naglalako ng iligal na droga ang suspek. RNT

Previous articlePagdami ng insidente ng pagnanakaw, carnapping sa Cavite, fake news!
Next articleMarch 1 deadline sa annual report ng foreigners muling ipinaalala ng BI