Home NATIONWIDE P7.4M shabu nasabat sa obrero sa Cebu

P7.4M shabu nasabat sa obrero sa Cebu

MANILA, Philippines – Nakuhanan ng halos P7.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang isang construction worker sa isinagawang operasyon sa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Sabado ng hapon, Marso 30.

Ayon sa Lapu-Lapu City Police intelligence unit, nakuha sa 20-anyos na suspek ang mahigit isang kilo ng shabu.

Nakorner ng mga awtoridad ang suspek sa Sitio Lawis, Barangay Pusok matapos na makatransaksyon nito ang isang poseur buyer.

Aabot sa 1.1 kilo ng hinihinalang shabu ang nakuha sa suspek na may street value na P7,480,000.

Naka-detain na ang suspek habang naghihintay ng isasampang kaso rito sa Lunes. RNT/JGC

Previous articleAnthrax ‘di mabilis kumalat – DOH
Next articleNat’l Maritime Council nilikha sa pagpapalakas ng PH maritime security