Home NATIONWIDE P700M jackpot Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49 ‘di nasungkit!

P700M jackpot Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49 ‘di nasungkit!

MANILA, Philippines – Hindi pa rin napapanalunan ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 sa naging draw ng PCSO nitong Linggo, Disyembre 17.

Ang winning combination ng Ultra Lotto 6/58 ay 52-07-09-29-37-38, at nagkakahalaga ng P500,000,000.00 ang jackpot prize nito.

Wala ring tumama sa kasabay nitong draw ng Superlotto 6/49 sa winning combination number na 02-07-29-06-45-15, sa jackpot prize na P297,442,106.20.

Matatandaan na nitong Sabado ay wala ring tumama sa draw ng Grand Lotto 6/55 sa jackpot prize na P500 milyon, sa lumabas na numero na 25-20-24-28-06-09.

Ang Grand Lotto 6/55 ay magkakaroon muli ng draw ngayong Lunes, Disyembre 18. RNT/JGC

Previous article6 NPA rebels, sundalo patay sa sagupaan sa Batangas
Next articleRonaldo Valdez, pumanaw na!