MANILA, Philippines – TINATAYANG P70 milyong piso ng COVID-19 response funds ng gobyerno ang hindi napunta sa mga eligible beneficiary.
Ito ang nakasaad sa ilalim ng Performance Audit Report sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Commission on Audit (COA), isang government program na nagbibigay ng financial support sa mga apektadong manggagawa sa panahon ng pandemiya.
Sinabi ng COA na P70.26 million CAMP fund ay ibinigay sa 14,052 benepisaryo kung saan 6,214 ang “ineligible” habang 7,838 naman ay “probably ineligible beneficiaries” dahil nakatanggap na ang mga ito ng financial assistance mula sa ibang financial support programs ng gobyerno gaya ng Small Business Wage Subsidy Program ng Social Security System (SSS) at Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang kanilang monthly gross salary ay “above the P40,000 threshold.”
“Based on the interview, DOLE (Department of Labor and Employment) only relied on applicants’ self-declaration since there was no available and complete centralized database that would serve as a basis for determining whether an applicant already received financial assistance from other programs,” ayon sa COA.
“In addition, only the DOLE, Department of Finance (DOF), and SSS were able to have a data sharing agreement on their beneficiaries,” dagdag na pahayag ng COA.
Tinukoy naman ng COA na sa ilalim ng ipinatutupad na Guidelines ng Bayanihan 2 Law, “the subsidies or benefits received from existing financial assistance programs will be taken into consideration in the computation of the subsidy or benefit to be received to prevent double dipping or unauthorized receipt of multiple subsidies.”
Idagdag pa rito, ang CAMP-Bayanihan 2 guidelines na ipinalabas ng DOLE ay mayroong listahan na nage-enumerate ng “exclusions” para maging kuwalipikado mula sa para pigilan ang pamamahagi ng financial assistance sa ineligible beneficiaries na inilarawan sa Bayanihan 2 law.
Advertisement