Home NATIONWIDE P70M lotto jackpot paghahatian ng 2 lucky bettors

P70M lotto jackpot paghahatian ng 2 lucky bettors

MANILA, Philippines – Maiuuwi at paghahatian ng dalawang lucky bettor ang P70 milyong lotto jackpot para sa sa Mega Lotto 6/45 draw nitong Peb. 26, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nagawang mahulaan ng dalawa ang winning digits na 29-07-09-20-03-26 at paghahatian ang kabuuang jackpot prize na P70,879,526.

Samantala, sa Grand Lotto 6/55, walang nakahula nang tama sa mga panalong numero 22-18-35-39-48-08, na may jackpot na P82.6 milyon.

Ang iba pang mga panalong numero para sa digit na laro ay 0-7-1-2 para sa 4D Lotto, 8-9-4 para sa 3D Lotto, at 13-05 para sa 2D Lotto. RNT

Previous articleTransfer fee ng BPI to GCash sisirit sa P10
Next articleDA sa Mindoro towns na sapul ng El NiƱo: State of calamity ideklara