Home METRO P714K shabu, baril nasamsam sa 5 suspek sa Cavite

P714K shabu, baril nasamsam sa 5 suspek sa Cavite

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang limang hinihinalang tulak matapos masamsaman ng P714,000 halaga ng shabu at baril sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite.

Ayon sa Region 4A police, naaresto ng mga awtoridad sa General Trias City, 8:40 ng gabi nitong Lunes, Pebrero 26, ang hinihinalang tulak na sina Joana, Abigail at Angelou matapos na makapagbenta ng isang pakete ng shabu sa undercover pulis.

Itinuturing ang mga suspek bilang “high-value” targets.

Narekober sa mga ito ang dalawang knot-tied plastic at apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu at may timbang na 100 gramo. Nagkakahalaga ito ng P680,000.

Samantala, naaresto naman sa Barangay Paliparan 3, Dasmarinas City ang suspek na sina “Totoy” at “Marie” alas-3:20 ng madaling araw nitong Martes, Pebrero 27.

Tinukoy din ang mga suspek na street-level pushers, at nakuhanan ng P34,000 halaga ng shabu at hindi dokumentadong caliber .45 pistola na may tatlong bala.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous articleFire Prevention Month sinalubong ng kaliwat-kanang sunog sa Bulacan
Next article22 estudyante sugatan sa bumaliktad na kuliglig