Home NATIONWIDE P72M lotto jackpots mailap

P72M lotto jackpots mailap

MANILA, Philippines – Bokya ang mga mananaya sa mga major jackpot lotto draw nitong Lunes ng gabi, Hunyo 24, 2024.

Walang bettor ang nakahula nang tama ng tamang kumbinasyon para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45, na ibinola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang panalong kumbinasyon para sa Grand Lotto 6/55 ay 03-04-29-49-30-08. Ang jackpot ay nasa P55,340,710.60.

Ang mga nanalong numero para sa Mega Lotto 6/45 ay 34-02-26-12-01-36. Ang premyo ay P16,747,209. RNT