MANILA, Philippines- Nananatili ang P75 bilyong kontribusyon ng Land Bank of the Philippines at ng Development Bank of the Philippines sa Maharlika Investment Fund sa Bureau of Treasury, dahil hindi pa nagpupulong ang Maharlika Investment Corporation Board at nakapagtatalaga ng bank account.
Inaasahang magpupulong ang board bago matapos ang taon, ayon kay Sultan Kudarat 2nd District Rep. Horacio Suansing Jr., budget sponsor ng Department of Finance sa Kamara.
“For how long will these funds be in the Treasury and not remitted to the Maharlika Investment Corporation?” tanong ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa House plenary debates sa OF’s proposed 2024 budget ng DOF.
“This depends upon the timeline or when the Maharlika Investment Corporation Board will be convened and which by that time will nominate a bank account,” tugon ni Suansing.
“What is the timeframe for all of this?” giit niLagman.
“The timeline is before the year ends,” ani Suansing.
Inaatasan ng batas ang Land Bank of the Philippines at ang national government na magbigay ng tig-P50 billion para sa MIF. Gayundon, hiningan ang Development Bank of the Philippines is ng P25 billion na kontribusyon.
Sinabi ni Suansing na kumikita ang pondo ng 3% hanggang 5% sa government securities habang nasa bangko. Subalit, sa ilalim ng MIF, ipupuhunan ito sa mas mataas na yielding securities. Nang tanungin kung nakakuha ang MIF ng iba pang investments, sinabi ni Suansing na wala pa sa kasalukuyan.
Inilabas ang implementing rules and regulations ng unang sovereign wealth fund ng Pilipinas nitong Agost. Sinabi ng finance department na nakatanggap ito ng mga aplikasyon mula sa interesadong managers ng Maharlika fund. RNT/SA