MANILA, Philippines- Sinita ng state auditors ang Department of Health sa P7 bilyong mga gamot, at iba pang inventory items na napag-alamang expired na at hindi naipamahagi.
Sa 2022 annual audit report, sinabi ng Commission on Audit (COA) na expired, malapit nang masira, wasak, overstocked, understocked, naantala, o hindi na naipamahagi ang mga gamot, at iba pang uri ng imbentaryong aabot sa halagang P7,430,901,637.
Sa mga ito, P2.3 milyon ang expired inventories, P203.6 milyon ang overstocked, P5 bilyon ang slow-moving, at P1.5 bilyon ang undistributed.
“The presence of overstocked and slow-moving inventory items evidenced excessive spending as the procured items comprised volume of inventory far more than what the Centers for Health Development (CHD) and OUs presently need,” pahayag ng COA.
Idinagdag nita na nagresulta ang “deficient procurement planning” at “poor distribution and monitoring systems” sa “wastage of government funds and resources.”
“Overall, the problem exposed Management’s inability to safeguard, manage, and utilize health funds and resources economically and effectively,” giit ng COA.
Dahil dito, pinayuhan ng COA ang DOH na atasan ang supply officers na gawing rekisitos ang guarantee letters mula sa suppliers para sa deliveries na may shelf life at iulat ang items na mae-expire para sa wastong aksyon.
Nanawagan din ito sa DOH na magpataw ng parusa sa erring suppliers sa paulit-ulit na paglabag sa mga alituntunin.
Binanggit din ng state auditors na 1.6 milyong COVID-19 doses at 366,461 vials ang nasayang sa buong bansa. Sinabi ng COA na mayroon ding mahigit 11,000 COVID-19 vials na malapit nang masira.
Iniugnay ito ng COA sa pagtanggi ng local government units at iba pang implementing agencies na tumanggap ng mga bakuna dahil masyado nang maraming supply nito, o walang storage, mababa ang demand, late delivery, at pagpili ng brands.
Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang DOH ukol dito. RNT/SA