Home NATIONWIDE P7M Lotto 6/42 jackpot nasolo

P7M Lotto 6/42 jackpot nasolo

MANILA, Philippines- Nasungkit ng isang mananaya ang jackpot prize na mahigit P7 milyon sa Lotto 6/42 habang mailap ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 na pumalo na sa P101.7 milyon.

Nakamit ng Lotto 6/42 winner ang 7,341,411.40 sa kombinasyong 27-23-31-20-14-28.

Hindi pa rin napapanalunan ang Super Lotto 6/49 jackpot na nagkakahalaga ng P42,161,885.80. Ang lumabas na winning combination para rito ay 11-43-37-38-28-45.

Sa Ultra Lotto 6/58, pumalo na sa P101,741,658.80 ang premyo sa kombinasyong 11-20-53-50-19-55. RNT/SA

Previous articleDICT nagbabala vs posibleng paglaganap ng ‘deepfakes’
Next articleSahod ng higit 800 dating OFWs sa Saudi nabayaran na