Home METRO P7M shabu sa QC, nasabat!

P7M shabu sa QC, nasabat!

104
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P7 milyon halaga ng illegal na droga sa ikinasang anti-illegal drug buy bust operation sa FPJ Avenue. Brgy., Katipunan, Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District, ang suspek ay kinilalang si Ian Torres Delos Reyes, alyas Ian, 37-anyos at residente ng Brgy., Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.

Narekober sa suspek ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet at dalawang malaking heat-sealed transparent plastic sachet, kasama ang isang zip lock plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ang nakumpiskang shabu ng humigit-kumulang isang kilo at 50 gramo na may estimated street value na P7,140,000.

Dinala na ang nakumpiskang droga sa District Forensic Unit para sa chemical analysis.

Nasa kustodiya na ng District Drug Enforcement Unit para sampahan ng kaukulang kaso partikular na ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous article‘Eddie Garcia bill’ aprub na sa Kamara
Next articleJuday, ‘nasulot’ kay Piolo!