Home METRO P8.1M plantasyon ng marijuana natunton gamit drone

P8.1M plantasyon ng marijuana natunton gamit drone

SAN FERNANDO CITY, La Union – Isang drone ang nakatulong sa National Bureau of Investigation (PDEA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cordillera Administrative Region (CAR) na matunton at madiskubre ang 15 plantasyon ng marijuana sa Sitio Bana, Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet noong Miyerkules , Enero 10.

Sinabi ni NBI-Cordillera Director Eleanor Rachel M. Angeles na kinumpirma ng kanilang mga ahente ang eksaktong lokasyon ng mga plantasyon gamit ang drone nang makatanggap ng ulat mula sa kanilang asset.

Nagresulta ito ng pagsira ng mga awtoridad sa kabuuang 40,500 fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P8.1 milyon base sa standard na itinakda ng Dangerous Drug Board (DDB).

Walang naaresto sa operasyon ng pagpuksa ngunit patuloy ang follow-up na imbestigasyon para malaman ang pagkakakilanlan ng magsasaka. RNT

Previous article10 patay sa China mining accident
Next articleSharon, may babala sa mga anak!