Home NATIONWIDE P8.2B treatment plant sa Antipolo matatapos na sa Hunyo – Manila Water

P8.2B treatment plant sa Antipolo matatapos na sa Hunyo – Manila Water

281
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng East Zone concessionaire Manila Water nitong Huwebes, Mayo 18 na malapit na nilang makumpleto ang konstruksyon sa P8.2-billion Calawis Water Supply System project sa Antipolo City, Rizal na nakatakdang matapos sa Hunyo.

Sa pahayag, sinabi ng Manila Water na ang tubig para sa bagong pasilidad ay magmumula sa Tayabasan River, na matatagpuan sa Brgy. Calawis na bahagi ng Upper Marikina Watershed.

Ayon sa Manila Water, ang Calawis Water Supply System project ay inaasahang magbibigay ng karagdagang 80 milyon litro ng tubig kada araw sa 919,784 populasyon sa Antipolo City at kalapit na bayan.

Advertisement

“At present, while preparing to commence full operations, the facility is already able to supply treated water to some areas of the city including the Antipolo Government Center,” sinabi ng kompanya.

Ang Calawis Water Supply System project ay binubuo ng 80 MLD water treatment plants (WTP), pumping stations, reservoirs, at 21 kilometro ng primary transmission line.

Bahagi umano ang Calawis Water Supply System project sa water supply masterplan ng kompanya na layong siguruhin ang water security at supply reliability sa East Zone sa mga susunod na dekada maliban sa pagdedepende sa Angat Dam. RNT/JGC

Previous articleP2.7B puslit na agri products nakumpiska ng BOC ngayong 2023
Next articleKris, nag-post ng update, posibleng 6 ang autoimmune condition!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here