Home NATIONWIDE P9.7-B emergency repat funds gustong gamitin pantayo ng OFW facilities

P9.7-B emergency repat funds gustong gamitin pantayo ng OFW facilities

185
0

MANILA, Philippines – Hinahangad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magtayo ng mas maraming pasilidad para sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa pamamagitan ng P9.7-bilyong emergency repatriation funds (ERF) nito sa 2024.

Sinabi ni OWWA Administrator Arnell Ignacio na iminungkahi niya sa Senado noong Lunes na payagan ang ahensya na magkaroon ng higit na flexibility sa paggamit ng ERF nito dahil nililimitahan sila ng General Appropriations Act na gamitin ito para sa iba pang layunin.

“Kaya ang hinihiling lang namin sa Senate at sa Congress, exactly yang salita na ‘yan flexibility on how to use our ERF or emergency repatriation fund,” sabi ni Ignacio sa isang press briefing.

Ayon kay Ignacio, bagamat napakalaki ang kanilang pondo pero napakababa aniya ang kanilang utilization.

Dagdag pa ni Ignacio, mas gugustohin sana nilang mapayagan silang gumasta para mas mapalaki,mapagansa at maging maayos ang kanilang shelters.

Sinabi nito na nais ng ahensya na pagbutihin ang mga shelters sa ibang bansa at makapagtayo ng higit na halfway houses sa bansa para sa mga OFWs.

Anang OWWA administrator, na tinanggap ng mga mambabatas ang panukala.

Pinuri ng Commission on Audit ang OWWA sa paggamit ng 99.99% ng P17.3 bilyon nitong ERF noong 2021 para sa tirahan, transportasyon, tulong pinansyal, at iba pang COVID-19 incidental expenses ng mga repatriated OFWs. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleCash aid sa rice retailers exempted sa election spending ban
Next articleIRR sa New Agrarian Emancipation Act “best birthday gift” ayon kay PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here