Home NATIONWIDE P90M ismagel na diesel nasabat ng BOC, NBI sa Bataan

P90M ismagel na diesel nasabat ng BOC, NBI sa Bataan

TINATAYANG nasa P90 milyon halaga ng mga hinihinalang ismagel na diesel fuel ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang magsagawa sila ng operasyon sa bayan ng Mariveles sa Bataan nitong Sabado ng gabi.

Nakita ng mga operatiba ng NBI-Anti Organized and Transnational Crimes Division at ng BOC ang 16 na fuel truck sa pribadong establisyimento na kanilang sinalakay.

Nabatid na kinumpiska ng mga awtoridad ang lima sa mga trak na kargado na ng umano’y smuggled fuel.

Ayon sa BOC, nasamsam din nila ang M/T Lorna-2, na may dalang mula 80,000 hanggang 100,000 litrong krudo.

Napag-alaman sa isang spectrometer test na ang fuel na dala ng M/T Lorna-2 ay walang mga chemical marker na dapat ay nasa legally imported fuel.

Nabatid sa mga awtoridad na ang establisyimento na ni-raid ay nag-o-operate bilang repair site para sa mga barko at bangka, batay sa rehistrasyon nito sa Barangay Alas-Asin.

Matatandaan na nasabat ng BOC noong Oktubre ang 40,000 litro ng umano’y smuggled na gasolina sa Port of Limay, sa Bataan.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawampu’t dalawang tsuper ng trak, katulong, at manggagawa para sa inquest proceedings. Maaari silang harapin ang mga reklamong may kaugnayan sa smuggling.

Ang mga sample ng nakumpiskang krudo ay ipapadala sa Subic, Zambales para sa confirmatory testing. Ang mga nasamsam na sasakyan naman ay i-turn over sa Port of Limay. Jay Reyes

Previous articleCardinal kulong ng 5 taon sa Vatican fraud
Next articleWanted na SoKor national arestado sa pambubugaw