Home NATIONWIDE P90M lotto jackpots mailap sa mga mananaya

P90M lotto jackpots mailap sa mga mananaya

MANILA, Philippines – Mailap sa mga mananaya ang major lotto draw nitong Martes ng gabi, Mayo 28, 2024.

Walang bettor ang nanalo at nakahula nang tamasa Ultyra Lotto 6/58, Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 winning combinations, na ibinola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang winning combination para sa Ultra Lotto 6/58 ay 16-47-40-14-21-22. Ang jackpot ay umabot sa P49,500,000.

Habang ang winning digits para sa Super Lotto 6/49 ay 45-14-15-30-23-35. Ang premyo ay P29,358,869.60.

Para sa Lotto 6/42, ang panalong kumbinasyon ay 33-07-12-38-09-01 na may P16,703,853.80 jackpot. RNT