Home ENTERTAINMENT PA ni Papa P sa concert, kinainisan!

PA ni Papa P sa concert, kinainisan!

Manila, Philippines – Totoo nga bang ang langaw na nakatuntong lang sa kalabaw, feeling mas mataas pa sa tinutuntungan nito?

Ito ang dismayadong pakiramdam ng mga kabilang sa concert ni Piolo Pascual na idinaos sa Calgary, Canada.

Naganap ang show billed as Piolo Pascal live nitong November 11.

Kasama ng aktor na nag-perform si Ai Ai de las Alas na nagkataong nagdiriwang ng kanyang 59th birthday ng araw na ‘yon.

Partikular na inirereklamo ng nag-front act na Lloyd Minster Momshies ang handler o PA ni Piolo.

Ayon sa paglalarawan ng source ng Remate Online, inakala raw nilang kapatid o malapit na kamag-anak ni Ai Ai ang PA dahil medyo nagkakahawig sila ng baba.

Napaka-toxic daw nito na ayaw man lang nitong papalapitin ang mga fans kay Piolo na humihiling ng photo op.

Maging ang mga concert producers na sina Susan Tichkowky at Edina Bannawel ay tablado sa PA.

In fairness daw kay Piolo, magiliw naman daw nitong hinarap ang mga excited niyang fans.

Maging si Ai Ai din daw mismo ang lumalapit sa mga fans para paunlakan ang request na magpa-photo op.

As far as the disgruntled show producers are concerned, nagpakita sila ng interes na muling kunin si Ai Ai sa mga ipoprodyus na show sa iba’t ibang bahagi ng Canada.

Sa isang banda, may pananagutan din si Piolo sa pakikitungo ng kanyang handler.

Maano raw bang sinabihan ito ng aktor na huwag maging masungit o mahigpit sa kanyang mga tagahanga?

Dapat ay alam daw ng PA o handler ang mga limitasyon ng kanyang tungkulin.

Napagtanto tuloy ng maraming Calgary-based Pinoy ang kapaniwalaang ang langaw na nakatuntong lang sa kalabaw ay nag-aastang mas mataas pa sa tinutuntungang hayop.

Kilalang magiliw si Piolo pero nagkaroon tuloy siya ng masamang imahe dahil sa kanyang PA. Ronnie Carrasco III

Previous articleMga drayber na nagdawit kay Bong Revilla sa isyu sa EDSA busway susuko sa MMDA
Next articleMeralco, TNT laglag sa Ryukyu, Taipei Fubon sa EASL tilt