Home ENTERTAINMENT Pa-trending na ‘Star Magic buwaya’, nag-flop!

Pa-trending na ‘Star Magic buwaya’, nag-flop!

753
0

Manila, Philippines – Nitong May 15, Lunes ay nag-trending sa social media ang Star Magic Buwaya, ang All-star Games ng ABS-CBN.

Buwaya ang idinugtong ng mga netizens sa nasabing event dahil daw sa pagkamahal- mahal na tickets.

Sampung libong piso ang pinakamahal na ticket, P150 naman ang general admission price na pinakamura.

Gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa May 21, tatakbo ito mula ala una ng hapon hanggang 8 ng gabi.

Ikinunek ng mga netizens sa buwaya ang nasabing event dahil associated nga naman ang nasabing mabangis na hayop sa isang taong gahaman.

In a sense, inirereklamo ng mga netizens mostly students ang presyo ng mga tickets.

Mabilis na dumepensa si Ogie Diaz sa aspeto ng ticket pricing.

Aniya, hindi lang naman P10k ang presyo ng ticket na maaaring pamilian.

Maging praktikal na lang daw ang gustong manood, na bumili ng ticket ayon sa kanilang budget.

Binanggit pa ni Ogie na kaya ganoon ang presyuhan ay dahil renta pa lang sa venue ay kalahating milyong piso na.

Susog naman ng co-host niyang si Mama Loi, posibleng susulitin naman daw ito ng Star Magic sa pagpapalabas ng mga production numbers.

Kinumpara pa ng dalawang hosts ang bentahe ng naturang event vis a vis fan meet tampok ang mga Korean pop idols.

Doon kasi ay nakakapagbayad ang ilan nating mga kababayan ng as high as P17k para sa maikling oras.

Two hours at the most ang mga karaniwang fan greet sa mga Korean stars.

Nilinaw rin ni Ogie na kalahating araw lang nitong Lunes nag-trending ang Star Magic Buwaya.

Ibig sabihin, hindi rin daw nakuhang i-sustain ng mga taong may pakana nito ang kanilang panawagan.

In short, epic flop! Ronnie Carrasco III

Previous articleDeath penalty sa Customs officers na nakikipagsabwatan sa smugglers, isinusulong!
Next articleMga manggagawa sa informal sector plano ring bigyan ng maternity benefits

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here