Home METRO Paaralan sa QC, nasunog!

Paaralan sa QC, nasunog!

344
0

MANILA, Philippines – Tinupok ng sunog ang Starland International School (SIS) sa bahagi ng 12th avenue, Brgy. Socorro, Quezon City nitong Biyernes, Setyembre 15.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), ang insidente ay idineklarang “fire out” bandang 10:18 ng umaga.

Unang itinaas ang first alarm 9:04 ng umaga at agad umakyat sa ikalawang alarma pagsapit ng 9:16 ng umaga.

Fire under control naman ito pagsapit ng 9:57 ng umaga.

Patuloy pang inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog at naging danyos dahil dito.

Samantala, inanunsyo ng opisyal ng paaralan na mayroong klase nang magsimula ang sunog ngunit ligtas na nailikas ang lahat ng mga estudyante at mga tauhan ng paaralan.

“Meron po silang pasok kanina, pero nailabas naman po sila agad. Wala naman po [na nasaktan]. Okay naman po sila and well-informed po lahat ng parents,” sinabi ni Sally dela Cruz, Assistant to the Vice President ng SIS sa isang panayam. RNT/JGC

Previous articleCivil servants may libreng sakay sa MRT sa Setyembre 18 ‘gang 20
Next articleSen. Go, Sec. Gibo iisa ang tindig vs military pension reform

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here