Home NATIONWIDE Paborableng sarbey sa PH-US alliance ikinatuwa ni Año

Paborableng sarbey sa PH-US alliance ikinatuwa ni Año

MANILA, Philippines – SINABI ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na ang resulta ng kamakailan lamang ng Pulse Asia survey ay nagpapaulit lamang sa pangangailangan para sa “collaborative approach” para sa usapin na may kinalaman sa West Philippine Sea (WPS).

Ipinakita ng survey na 8 mula sa 10 Filipino ang nagsabi na kailangan ng administrasyong Marcos na makatrabaho ang Estados Unidos sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa West Philippine Sea.

Ipinakita rin na mahigit sa kalahati ng mga Filipino ang naniniwala na ang Pilipinas ay kinakailangan na palakasin ang alyansa nito sa “like-minded countries” sa pamamagitan ng joint patrols.

“Additionally, 56 percent advocate for reinforcing alliances through joint patrols and military exercises with like-minded countries, echoing the need for a collaborative approach,” ang sinabi ni Año sa isang kalatas.

Binigyang diin pa ni Año na tinatrabaho na ito ng National Task Force for the West Philippine Sea.

“We will continue working towards peaceful and diplomatic solutions, reinforcing alliances with like-minded nations, and ensuring the safety and security of our maritime domain,” aniya pa rin.

“This affirmation not only reinforces the correctness of our position but also highlights the shared commitment to safeguarding our nation’s interests in the global arena,” dagdag na pahayag ni Año.

Ipinakita rin sa survey na 43% ang pabor na makatrabaho ng Pilipinas ang Australia at 42% sa Japan, base sa survey.

“This reinforces the shared values and commitment to peace and stability in the Indo- Pacific and the commitment to a rules-based international order,” ang tinuran ni Año.

Ang survey na kinomisyon ng international think tank Stratbase Institute, ay isinagawa mula December 3 hanggang 7, 2023, kasama ang 1,200 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang mga respondents ay tinanong ukol sa kanilang pananaw sa mga bansa o organisasyon na nais nilang makatrabaho ng Pilipinas, isaalang-alang na rito ang implikasyon sa the WPS sa “security at economy” ng bansa.

Ang mga respondents ay pinayagan na mamili ng kanilang mga sagot.

Sa ulat, umigting ang tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas nito lamang nakaraang buwan dahil na rin sa trade accusations dahil sa serye ng insidente sa South China Sea.

Inangkin naman ng China ang karamihan sa South China Sea, kung saan ang bahaging ito ay inaangkin din ng mga bansa ng Pilipinas Brunei, Malaysia, Taiwan, Vietnam at Indonesia.

Pinawalang-saysay naman ng international tribunal noong 2016 ang claim ng China sa ruling sa kaso na inihain ng Pilipinas, binasura naman ng Beijing ang naturang desisyon.

Samantala, isinama naman ng Pilipinas ang mga lugar sa South China Sea na sakop ng exclusive economic zone at continental shelf bilang bahagi ng West Philippine Sea.

Previous articleForeman, backhoe operator nailibing nang buhay sa landslide
Next articleTulak tigbak sa onsehan sa droga