Home ENTERTAINMENT Pacman, gumaya kay Enrile, nagpa-stem cell!

Pacman, gumaya kay Enrile, nagpa-stem cell!

Manila, Philippines- Nitong nakaraang February 14 ay centennarian na si dating Senator Juan Ponce Enrile.

As such, nakatanggap siya ng P100k for having reached a century.

Pero ang mas mahalaga kay Manong Johnny ay nananatili pa ring malakas ang kanyang body at mind.

Thanks to stem cell nga ba?

Dito pumapasok ang “inggit” ng dati ring senador na si Manny Pacquiao.

Having learned its benefits ay nagpa-stem cell din siya.

Feeling daw niya’y mas lumakas o na-invigorate daw siya.

Timing naman kung ganoon dahil sa April ay merong exhibition game ang Pambansang Kamao sa Thailand versus a Thai boxer.

Posible rin daw matuloy sa June ang laban nila ni Floyd Mayweather.

Ang stem cell treatment ang dahilan kung bakit hindi na raw sumama si Pacman sa US trip with his family.

Pero more than his boxing activities, kinakailangan bang ikundisyon ni Manny ang kanyang katawan lalo’t kumpirmado na raw ang muli niyang pagtakbo bilang senador sa mid-terms elections next year?

Dahil national level ang puwestong nais niya uling sungkitin, hindi nga naman biro ang mangampanya across the country.

In doing so, dapat ay physically prepared siya.

So, maririnig ba uli natin ang gasgas na niyang pangako na magreretiro na siya sa boksing, na hindi naman matuluy-tuloy? Ronnie Carrasco III

Previous articleDSWD: ‘Wag mag-donate ng gamit na damit, pagkaing mapapanis na
Next articleMatapang na ‘wanted’ kumuha ng police clearance ikinulong!