Home ENTERTAINMENT Pacman, nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Jinkee!

Pacman, nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Jinkee!

Manila, Philippines – Hindi na nakatiis si Manny Pacquiao na kinailangang linawin ang isyu sa kanila ng asawang si Jinkee.

Ayon kasi sa isang YouTube channel, nilalakad umano ni Jinkee ang annulment ng kanilang kasal.

Buntis din daw siya, ayon sa kumakalat na balita.

Kagyat namang to the rescue si Anabelle Rama na malapit sa mag-asawa.

On her Facebook page, pinasinungalingan ni Annabelle ang balita.

Kilala raw ni Annabelle ang taong responsable sa fake news.

Nitong February 1, wari’y tinuldukan na rin ni Manny ang isyu by posting a video on Tiktok kung saan magkasama sila ni Jinkee sa Starbucks sa General Santos City.

Aniya, “Sa mga Marites dyan, mamatay kayo sa inggit!”

Pinaalalahanan pa ni Manny ang mga nagkakalat ng fake news na matakot sa kaparusahan ng Diyos.

On Jinkee’s part, pinost niya na na lalong mahal daw niya si Manny sa bawat pagdaan ng araw.

Itinanggi rin ni Jinkee na nagdadalantao siya.

Earlier ay nakita pa silang magkasama in public ni Mommy Dionesia na biyenan niya.

Nadamay rin ang senador at brodkaster na si Raffy Tulfo na sinabihan umano si Jinkee na tigilan na ang harap-harapang panloloko kay Manny, bagay na itinanggi ng mambabatas dahil matagal na raw niyang hindi nakakausap ang mag-asawa. Ronnie Carrasco III

Previous articleSa pagtawag na matandang artista, Dina, di na-offend!
Next articleP5M alok para maalis sa BI blacklist, scam – BI