Home NATIONWIDE Pacquiao ‘di lusot sa 2024 Paris Olympics

Pacquiao ‘di lusot sa 2024 Paris Olympics

MANILA, Philippines – Nadismaya si Manny Pacquiao sa pagtanggi ng International Olympic Committee sa kanyang kahilingan na sumabak sa 2024 Paris Olympics.

Sa isang pahayag na ipinadala ng kanyang panig nitong Lunes, Pebrero 19, sinabi ni Pacquiao na iginagalang niya ang desisyon ng IOC.

“I respect the decision of the IOC regarding my request to compete in the 2024 Paris Olympics,” ani Pacquiao. “While I am very saddened and disappointed, I understand and accept the age limit rules.”

Ang maximum na edad na 40 taong gulang ay pinapayagan na makipagkumpetensya sa Olympics. Si Pacquiao ay 45 taong gulang na.

Nauna nang nakipag-ugnayan ang Philippine Olympic Committee sa IOC na nagtatanong tungkol sa eligibility ni Pacquiao na lumahok sa Olympics sa pamamagitan ng Universality rule, na iginagawad sa mga pambansang atleta na hindi nag-qualify sa pamamagitan ng normal qualifiers.

Para sa Paris Games, may kabuuang 248 na boksingero ang makakalaban sa 124 na atleta bawat isa para sa men at women’s division. Mamimigay din ang siyam na Universality places, lima para sa babae at apat para sa lalaki.

Ang eight-division champion ay sasabak kay Buakaw Banchamek sa isang exhibition match sa Abril.

Ang Pilipinas ay mayroon nang apat na atleta na qualified para sa Paris Games: pole vaulter EJ Obiena, gymnasts Carlos Yulo at Aleah Finnegan, at boxer Eumir Marcial. RNT

Previous articleNakalayang drug suspek balik-selda sa P14.6-M shabu
Next articleP100 legislated wage hike pinapaprayoridad sa Kamara