Home METRO Pacquiao patay sa riding-in-tandem!

Pacquiao patay sa riding-in-tandem!

CEBU – Patay ang dalawang opisyal ng gobyerno sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril ng riding-in-tandem sa Cebu at Bohol.

Kinilala ang isang biktimang si Anastacio Pacquiao, 60-anyos na pinagbabaril sa ulo ng riding in tandem sa Barangay Prenza sa Balamban, Cebu noong Huwebes.

Si Pacquiao ay kagawad sa Barangay Cansomoroy, at kakandidatong chairman sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataang elections.

Ayon sa awtoridad, tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Samantala, patay din si Danilo Hayag Añora, residente ng Barangay Dait Norte sa riding in tandem sa Buenavista, Bohol.

Si Añora ay konsehal ng nasabing bayan at pauwi na noong Biyernes ng madaling araw nang tambangan siya ng mga salarin. RNT

Previous article25 Pinoy sa Gaza humirit na ng repat
Next article‘Ruta for sale’ tatalupan ng DOTr