Home METRO Padre de pamilya, patay sa sunog sa Navotas

Padre de pamilya, patay sa sunog sa Navotas

MANILA, Philippines – PATAY ang isang 59-anyos na padre-de-pamilya na may tinataglay na karamdaman nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Navotas City, Sabado ng madaling araw, Marso 30.

Sa ulat ni Fire Marshal F/Supt. Ronaldo Sanchez, nagsimulang sumiklab ang sunog dakong alas-3:49 ng madaling araw sa bahay ng biktimang si alyas “Peter” sa Area 1 Block 26, Brgy. North Bay Boulevard-South (NBBS), Dagat Dagatan na hinihinalang sanhi ng naiwang nakasinding kandila.

Nagawang makaligtas ang mag-ina ng biktima na nakalabas ng bahay subalit, hindi na nakalabas si ‘Peter’ na kamakailan lang ay na-stroke sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy na nagsimula sa tinutulugan niya sa 2nd floor ng tatlong palapag nilang tirahan.

Ayon sa ulat, sementado naman ang pader ng bahay ng nasawi pero gawa sa kahoy ang kanilang sahig at wala ring supply ng kuryente kaya kandila ang gamit ng biktima.

Wala namang ibang bahay na nadamay sa sunog habang tinatayang aabot sa P45,000 na halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy. Rene Manahan

Previous articlePCG nangako ng patuloy na presensya sa WPS
Next articleMAHIGIT 83 MILLION FILIPINOS,  REHISTRADO NA SA NATIONAL ID SYSTEM