Home METRO PAF nag-deploy ng rescuers sa Piper plane crash site sa Isabela

PAF nag-deploy ng rescuers sa Piper plane crash site sa Isabela

MANILA, Philippines- Nag-deploy ang Philippine Air Force (PAF) nitong Huwebes ng team ng parajumpers sa crash site ng general aviation Piper aircraft na nawala noong nakaraang buwan at namataan sa Isabela nitong Dec. 5.

“This morning, 07 December 2023, two PAF search-and-rescue helicopters, a ‘Sokol’ and Huey aircraft conducted search-and-rescue operations in the vicinity of Barangay Casala, San Mariano, Isabela. Particularly, the ‘Sokol’ aircraft conducted hoist operations to insert a team of Air Force parajumpers and members of the Bureau of Fire Protection,” pahayag ng PAF.

Sa kabila ng bulubunduking lupain, matataas na puno at malakas na hangin, naihatid ng PAF pilots ang rescuers ilang daang metro ang layo mula sa crash site.

Nawala ang aircraft matapos umalis sa Cauayan Airport dakong alas-9:39 ng umaga noong Nov. 30.

Nakatakda sana itong lumapag sa Palanan Airport ng alas-10:23 ng umaga sa parehong araw.

“Official news about the status of the Piper Plane’s pilot and passenger will be given by the Incident Management Team as soon as ground rescuers have reached the site,” patuloy ng PAF. RNT/SA

Previous articleDagdag-singil sa toll sa NLEX Connector itinutulak
Next articlePagpapahusay ng educ system sa Pinas tiniyak ni VP Sara